Monday, January 24, 2005
laro ng buhay
buhay, makakausap nanaman kita ulit... napakahabang panahon, marami na ang nangyari! maraming bagay na hinde ko maintindihan, naiintindihan... at patuloy na iniintindi, hinde ko maiwasang magisip, mag taka... kung bakit sa hinaba haba, ng panahong nakalipas eh kakausapin kita ulit? hinde ka ba napapagod na habulin ako sa tuwing ako ay nadadapa?
hindi ka ba napapagod na sundan ang lahat ng aking mga gawa? ha? minsan naisip ko... siguro hindi ako nakatadhana na makawala sa matatalim mong mga kuko at sa makamandag mong kagat, minsan naisip ko na mas makatotohanan kung hahayaan na lang kita sa iyong ginagawa at patuloy na mag paalipin sa iyon... isa kang lasong dahan dahan, pumapailalim sa aking katawan. Ikaw ay isang mabangis na hayop, na handang lamunin ang sino mang malapitan. Natatakot ako sa mga kaya mong gawin, hinde ako matapang o malakas... ako ay pumapailalim lamang sa iyong mga laro, na mahirap maiwasan at mahirap mapigilan... at maging takasan, pagbigyan mo kaya ako kung magsumamo ako na... ako ay pakawalan? Hayaang mabuhas sa kawalan? Kung saan ang bawat taong makakasama ay hinde kasali sa kalokohang mong laro? Sana pakinggan ang aking mga hiling at pagsusumamo... Pakawalan mo ako, sa malulungkot mong yakap, sa malalamig na tinggin at sa nakakatakot na kinabukasan... Hayaan mo akong lumigaya! Isang bagay na sa tuwing aking makakamit ay lagi mong binabawi... Ligaya ang aking inaasam, sana mapag bigyan... kahit sa konting panahon lang, bago man lang ako bawiian ng hininga at bago man lang ako mawalang ng pag-asa, Buhay... kelan ka ba makikinig sa isang taong katulad ko?
Kelan mo ba bibigyan ng pansin ang isang panaghoy ng nilalang na nabuhay sa kadiliman mo?
Ako ba ay kukunin mo na? Kikitlin mo na ba ang wala kong kwentang buhay? Ang pintig ba nang aking puso ay patuloy mo nang papabagalin at unti unting papawalain? Ang katotohanang nais kong makamit... Isang katotohanang lagi kong hinahap at pinapangarap, na kahit kelan ay hindi ko nalasap. Masarap ba ang mabuhay? Masasabi mo ba saakin na ang buhay na aking inaangkin ngayon ay tama? Gayong ang lahat nang aking nadadama ay pulos kasawian at kamalian? Kailang mo ako hahayaan? Kailan mo ako pababayaan? Kailang mo ako hahayaang magkaroon ng buhay na masasabi kong akin? Kailan?
- another gibberish... haha, no one reads my blog so i guess it's quite okay to be talking gibberish! ahahaha... em weird, and that's the truth people around me must bear!
Post a Comment