Saturday, April 16, 2005

Hindi maiwasan

Nagdiriwang ang mga anghel
ngayong gabing maliwanag
ang mga bituin
At ang buwan ay sing liwanag
ng araw
Naglalaro ang mga anino
ngayong umagang maaliwalas
ang kalangitan
At ang araw ay walang sing
liwanag
Hindi maiwasang makisaya~makidiwang
Masasayang sandali ay hindi maiwasan
Dahil ba ikaw ay nakita?
Dahil ba ika'y isa mga anghel
ng aking buhay?
O kay kislap ng iyong mga ngiti
O kay ganda ng iyong mga mata
Hindi maiwasang matuwa
Hindi maiwasang mahalina
Ang iyonh kagandahan ay
namumukod-tangi
Ang iyong katauhan ay nakakasilaw
Ang aking isipan ay unti-unting
nalulunod sa pag-isip sa iyo
Nananalangin akong muli
mabigyan ng pagkakataon
Unti-unti muling nahuhulog sa
iyo
Ngunit hindi maiwasang pigilan
ang nararamadaman
Pagkat hindi dapat
Pagkat hindi sigurado kung
tama
Hindi matatanggap na ika'y
masaktan
ANGHEL ng aking buhay...

this really goes for someone... em just not sure if i should tell her though



Post a Comment